Sa Negros Island, 262 na pamilya o katumbas ng 1,195 na indibidwal ang inilikas at pansamatalang nanunuluyan ngayon sa siyam na evacuation centers.
Nakapaglaan naman na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P68,400 na halaga ng relief assistance para sa mga apektadong pamilya sa Negros.
Sa Region 7 (Central Visayas) naman, aabot sa mahigit 3,000 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha pero 227 na pamilya lamang ang kinailangang ilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa ngayon ayon sa DSWD, nasa 1,064 na katao ang nananatili sa mga evacuation center matapos masira ang aabot sa anim na mga bahay dahil sa pagbaha.
Samantala sa Region 8 (Eastern Visayas), 537 na pamilya o katumbas ng 2,260 na indibidwal ang nasa 25 evacuation centers sa ngayon.
Limampu’t siyam na barangay sa buong Region 8 ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at baha mula sa mga lalawigan ng Leyte, Eastern Samar, Northern Samar at Western Samar.
Ayon sa DSWD, nakapaglaan na sila ng P147,516 na halaga ng relief assistance para sa Eastern Visayas.
Labing siyam na pamilya naman o 89 na katao ang nasa evacuation centers sa Zamboanga Del Norte.
Habang sa Region 10, 8,086 na pamilya ang inilikas o katumbas ng 43,303 na katao.
Sila ay pansamantalang nasa 96 na evacuation centers.
Ayon sa DSWD, sa nasabing rehiyon, umabot sa labingapat na mga bahay ang nawasak dahil sa baha at 33 naman ang nagtamo ng sira.
Kabilang sa mga apektadong lalawigan ang Bukidnon, Lanao Del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Sa kabuuan, sinabi ng DSWD na nakapaglaan na sila ng P2.4 milyon na halaga ng relief assistance sa Region 10.