Pinoy fans, sulit sa concert ni Bryan Adams; PNP Chief Dela Rosa naki-jamming sa audience

Bryan AdamsSulit ang mga Pinoy fans sa star-studded concert ng Grammy-award winning singer na si Bryan Adams sa Pilipinas kagabi.

Ito ang ikalawang beses na nag-concert sa bansa ang 57-anyos na singer na si Adams makalipas ang mahigit dalawampung taon.

Agaw eksena naman si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na nakipag-jamming pa sa ibang fans.

Kuntento ang mga nanood dahil mahigit dalawamput-apat ang kinanta ni Adams.

Kabilang ang mga awitin ay ang “Summer of 69,” “Everything I Do,” “Cuts Like a Knife,” “Straight from the Heart” at ang most requested song na “Please Forgive Me.”

Read more...