Puneraryang pinagdalhan sa Korean kidnap victim, hinaluhog ng mga pulis

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa punerarya sa Caloocan City kung saan umano dinala ang bangkay ng Korean national na si Jee Ick Joo, dinukot noong Ocotober 2016.

Nang isisilbi na ang search warrant sa Gream Funeral Services, walang nadatnan na tao ang pulisya kaya pinasok na ito ng mga pulis.

Ang naturang search warrant ay inihain laban sa may-ari ng punerarya na si Gerardo Gregorio Santiago dahil sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Act.

Walang natagpuang anumang armas o ammunition ang mga pulis, ngunit nakuha nila isang golf set na may labingapat na club.

Ayon sa PNP-AKG, ipakikita nila ito sa pamilya ni Jee, at kung kumpirmahing pag-aari niya ito, gagamitin ito ng pulisya bilang ebidensya.

Si Santiago ay itinuturing na person of interest dahil nabayaran na ito umano ng P30,000 para sa pag-embalsamo ng bangkay ni Jee bago pa man dalhin sa punerarya ang biktima.

 

Read more...