Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa mga lalawigan sa Mindanao

Orange Rainfall Warning(UPDATE) Sa inilabas na 10AM rainfall advisory ng PAGASA, malakas na buhos ng ulan pa rin ang nararanasan sa maraming lalawigan sa Mindanao dahil sa tail end ng cold front.

Dahil dito, itinaas na ng PAGASA sa orange ang umiiral na rainfall warning sa mga lalawigan ng Bukidnon, Dinagat Island, Siargao Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan Del Norte, Davao Del Sur at Sultan Kudarat.

Ayon sa PAGASA ang mga residente sa mga lalawigan na nasa ilalim ng orange rainfall warning ay dapat maging alerto sa pagbaha at landslides.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang umiira sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Misamis Oriental, Camiguin, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao City, Compostela Valley, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Maguindanao, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, Lanao del Sur at Cotabato City.

Mamayang ala una ng hapon muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.

 

Read more...