Duterte nagpadala ng personal na liham sa Santo Papa

pope-francis
Inquirer file photo

Personal na gumawa ng liham si Pangulong Rodrigo Duterte para magpasalamat kay Pope Francis kaugnay sa ginawa nitong pagbisita sa bansa may dalawang taon na ang nakararaan.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza, ipinadala sa kanya ng pangulo ang liham para sa Santo Papa.

Kadarating lang ngayong araw ni Dureza sa Rome, Italy para sa ikatlong sigwada ng peace process sa Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.

Ayon kay Dureza, nakatakda siyang magtungo sa Vatican City mamaya bago magsimula ang peace talks para dumalo sa regular na morning “Bacciamano” o paghalik sa kamay ng Papa para maiabot na rin ng personal ang liham ng pasasalamat ng pangulo.

Magugunitang una nang minura ni Duterte ang Santo Papa dahil sa trapik na idinulot nito nang bumisita sa bansa.

Gayunman, agad na humingi ng tawad si Duterte sa Santo Papa.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Ernersto Abella na hindi niya batid kung ano ang nilalaman ng liham ng pangulo sa Santo Papa dahil selyado ito.

 

 

Read more...