Kamara hindi magbibigay ng emergency power sa pangulo para sa trapiko

traffic2
Inquirer file photo

Lusot na sa committee level ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Traffic Crisis Act of 2016.

Sinabi ni House Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento na sa inaprubahang panukala ay walang ipagkakaloob ang Kongreso na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala, magtatalaga ng isang traffic chief na siyang mangangasiwa sa mga programa para masolusyunan ang problema sa matinding trapiko.

Mandato niya na gumawa ng traffic management plan na ipatutupad sa lahat ng lungsod sa Metro Manila, Metro Cebu at Davao City.

Dagdag ni Sarmiento, ang problema sa traffic ay ikukunsidera na bilang ’emergency’ kaya’t maaari nang gawin ang negotiated procurement.

Sinabi ng Transportation Committee Chairman na ang Korte Suprema na lamang ang bibigyan ng kapangyarihan na mag-isyu ng Temporary Restraining Order o TRO at hindi na sa lebel ng Regional Trial Court.

Magkakaroon naman ng special traffic court na may kapangrihang mag-isyu ng TRO sa mga proyekto na may kinalaman sa traffic problems.

Dahil sa approval ng komite ay susunod na isasalang ito sa House Appropriations Committee para talakayin naman ang pondo para sa panukala.

Read more...