Patuloy na pag-ulan a Visayas at Mindanao ibinabala ng Pagasa

CDO flood1Magpapatuloy ang katamtaman hanggang sa makalakas na buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Eastern, Central at Western Visayas gayundin sa Western at Northern Mindanao.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Pagasa na ito ay dulot pa rin ng epekto ng buntot ng cold front na nakaka-apekto sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ipinaliwanag ng Pagasa na bagaman nadurog na ang Low Pressure Area sa ibabaw ng Visayas ay magdudulot pa rin  ng mga pag-ulan ang hanging Amihan sa nasabing mag lugar.

Kaugnay nito, kanselado ang flight 2095 at 2096 ng Philippine Airlines na may biyaheng Manila-Surigao-Manila dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, may ilang mga reisdente pa rin sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan at Valencia City at mga bayan ng  El Salvador, Gingoog at Tangub ang mga nasa evacuation centers dulot ng baha sa kanilang mga lugar.

Tiniyak naman ng NDRRMC na mabilis ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga local officials sa lugar kaya mabilis rin silang nakakapagpadala ng tulong sa mga biktima ng pag-ulan at baha.

Read more...