Ito ay para ilatag ang kanyang mga proyekto na makatutulong sa pagpapalago sa ekonomiya.
Kasama sa pulong ang negosyanteng si Jaime Zobel De Ayala at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nabatid na ang negosyanteng at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion III ang isa sa mga nag-organisa ng dinner.
Si Concepcion ang isa sa mga bumuo ng proyekto na “Negosyo para sa kapayapaan sa Sulu”.
Layunin ng proyekto ang paglalagak ng mga socio-economic development projects sa Sulu tulad ng mga livelihood programs, infrastructure, at pagdadagdag ng mga pasilidad tulad ng telecommunications, power plant, storage facilities, commercial flights at iba pang na inaasahang makakatulong sa pagsusulong ng peace efforts ng Duterte administration.