PAGASA nagbabala ng malakas na ulan na magdudulot ng flashfloods at landslides sa Caraga

Wala na ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA sa Mindanao, mataos itong tuluyang malusaw kahapon.

Gayunman, sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, mayroon pa ring tail-end ng cold front na nakaaapekto sa Visayas at sa Eastern Section ng Mindanao.

Ang nasabing weather system ayon sa PAGASA ay maaring makapaghatid ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng landslides at flashfloods sa Caraga Region.

Sa Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao, makararanas din ng katamtamang pag-ulan at isolated na thunderstorms.

Samantala, apektado naman ng Northeast monsoon ang Luzon.

Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin na mayroong mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera at sa lalawigan ng Aurora.

Habang bahagyang maulap lamang na mayroong isolated at mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Read more...