Kandilang ginamit sa pot session ang sinisisi ng mga residente kung bakit natupok ang nasa 60 bahay sa Sitio Pag-asa, Brgy. Sun Valley, Paranaque City.
Ayon kay Bienvinido Mañacap, isa sa mga nasunugan, iniwang nakasindi umano ni Dodong Masankay ang kandila na ginamit nila sa pot session.
Sinabi naman ni Fire Supt. Renato Capuz, Paranaque City fire marshall, alas-10:10 ng Martes ng gabi nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay ni Masangkay dahil sa napabayaang kandila.
Matagal na umanong walang kuryente ang bahay ni Masangkay kaya kandila umano ang ginagamit nito, pero iimbestigahan ng BFP ang sinasabing nag-pot session muna si Masangkay bago magkasunog.
Umakyat pa sa ika-limang alarma ang sunog, kaya tinatayang nasa 150 pamilya ang naapektuhan ng sunog, habang nasa P1.5 milyon naman ang tinatayang halaga ng ari-arian na natupok ng apoy.
Idineklrang fire out ala-1:14 ng madaling araw kanina ang sunog, habang mapalad namang walang naitalang namatay o nasaktan sa sunog.
Pansamantala munang nanunuluyan sa Holy Family Chapel covered court ang mga nasunugan.
ICYMI: 60 bahay ang nasunog sa Sitio Pag-asa, Brgy. Sun Valley, Paranaque City | video contributed by Apol Querijero for RadyoInquirer pic.twitter.com/bFDGboDesN
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) January 18, 2017