Kasunduan sa pagtatayo ng “common station,” pipirmahan na ngayong araw

mrt-lrtMagkakaroon na ng pirmahan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at mga naglalakihang conglomerates ngayong araw para maisakatuparan na ang “common” railway station na magdudugtong sa tatlong pangunahing elevated train lines na bumabagtas sa Quezon City.

Ayon sa DOTr, seselyuhan na ang isang memorandum of agreement sa pagitan nila at ng SM Prime Holdings Inc., San Miguel Corp. at Light Rail Manila Corp. na operator ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 na pag-aari ng Metro Pacific Investments Corp. at Ayala Corp.

Kasama rin sa pirmahan ang mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways at ang state-run na Light Rail Transit Authoirity.

Ayon kay Transportation spokesperson Cherie Mercado, sa wakas ay mauuwi na sa pirmahan ang mga partido matapos silamg magkasundo na sa disenyo ng common station.

Itinuturing naman na milestone ang nasabing pirmahan, matapos magtipun-tipon ang mga stakeholders noong September 28 na pare-parehong nagkasundo na dapat magkaroon ng common station sa pagitan ng SM City North EDSA at ng Trinoma na pag-aari ng Ayala Land Inc.

Dagdag pa ni Mercado, sa kasunduang ito, matutugunan nila ang interes ng mga partido habang ang pangunahin naman nilang prayoridad ay ang kapakanan ng mga pasahero.

Read more...