Sa pagbabalik ng sesyon nagmosyon si Senate Majoriry Leader Tito Sotto na alisin sa Senate records ang mga unparliamentary words na nabanggit nina Zubiri at Trillanes.
Ngunit mananatili naman ang pagtanggi ni Zubiri na bahagi siya ng sinasabing whitewash sa pag-iimbestiga sa immigration bribery scandal.
Kasunod nito ay nagsalita rin si Zubiri at aniya nagkaroon sila ng gentleman’s agreement ni Trillanes.
Nagbiro pa ito ukol sa masarap na meryenda na inihain habang nagpapaliwanagan sila ni Trillanes.
Humingi ito ng paumanhin sa pagpapalitan nila ng unparliamentary words na kanilang ginamit at aniya, susuportahan niya ang gagawing imbestigasyon ng komite ni Trillanes sa iskandalo ng suhulan sa Immigration Bureau.
Pagkatapos nito ay back to official business ang sesyon sa Senado.