Inihayag ngayon ng National Bureau of Investigation na natagpuan na nila ang hinihinalang bangkay ng Korean national na dinukot sa lalawigan ng Pampanga tatlong buwan na ang nakakaraan.
Ang pinapalagay na bangkay ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo ay sinasabing natagpuan sa isang funeral parlor sa Caloocan City.
Ang nasabing Koreano ay matatandaang dinukot diumano ng walo katao sa bahay nito sa Angeles City Pampanga noong October 18, 2016.
Kahapon ay boluntaryo nang sumuko sa NBI ang pulis na sangkot sa pagdukot sa nasabing Koreano na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Si Sta. Isabel ang itinuturo na pangunahing suspek sa pagdukot kay Jee Ick-Joo.
Bukod kay Sta. Isabel, sangkot din ang tatlo pang pulis sa pagdukot sa nasabing dayuhan.
Nabatid na umabot umano sa P5 milyon ang hinihinging ransom ng mga pulis kapalit ng pagpapalaya sa nasabing dayuhan.