Barko nasunog sa Corregidor Island; 10 tripulante, pinaghahanap

Corregidor IslandPinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang sampung tripulante ng isang nasunog na barko sa karagatan ng Corregidor Island.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, ito ay matapos makumpirma na bahagya nang lumubog ang MV Virginia sa layong 1.5 nautical miles South West ng Corregidor Island.

Agad nagpadala ng responde ang coast guard sa pamamagitan ng mga rescue assets nito upang hanapin ang mga nawawalang crew.

Unang napaulat na nagkaroon ng sunogd sa bahagi ng makina ng MV Virgina ala 1:20 ng madaling araw.

Galing ang barko sa Delpan Binondo at patungo ng Roxas, Palawan.

Read more...