Ayon kay Chief Supt. Aurelio Trampe, hepe ng PNP Crime Laboratory sa Camp Crame, 188 na mga uniformed personnel at pito naman na non-uniformed personnel ang nagpositibo sa confirmatory drug test ng shabu.
Ayon kay Trampe, ang resulta ay nakuha mula January 1 ng nakalipas na taon hanggang January 17 ngayong taon.
Bagaman ang bulto ng mga nagpositibo sa confirmatory drug test ay naisagawa simula July 1 sa pag-uumpisa ng war on drugs ng Duterte administration.
Dahil dito, sasailalim sa summary dismissal proceedings ang mga pulis na nagpositibo sa droga
Ayon pa kay Trampe, sa mga nagpositibo, ang may pinakamataas na ranggo ay chief inspector at pinakamababa ay PO1.
Umaabot sa kabuuan na 167,852 personnel ang dumaan sa mandatory random drug test ng PNP.