Japan magbibigay ng mga patrol vessels sa Vietnam

 

Inquirer file photo

Bibigyan ng Japan ang Vietnam ng anim na patrol vessels para matulungan ang nasabing bansa sa pagbabantay sa kanilang teritoryo sa South China Sea.

Inalok ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang bagong yen-loan na nagkakahalaga ng 120 billion yen o 1 billion dollars para tulungan ang Vietnam laban sa patuloy na expansion ng mga aktibidad ng China sa nasabing rehiyon.

Matatandaang bukod sa Pilipinas, kaagaw rin ng China sa mga teritoryo sa South China Sea ang Vietnam.

Layon ng pagbibigay ng patrol vessels ang pagpapatibay rin ng bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

Si Abe ay pumunta sa Vietnam para sa isang official visit, at inanunsyo niya ang nasabing alok sa press conference matapos niyang makapulong si Vietnamese Prime Minister Nguyen Zuan Phuc.

Read more...