Pinag-aaralan na ng Malacañang ang mga proyektong popondohan ng One Trillion Yen o $9 Billion na bahagi ng Official Development Assistance (ODA) ng Japan sa Pilipinas.
Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, inaalam na ng kanilang hanay ang mga proyekto para maisumite na sa Japan.
Ang ODA ay isang uri ng soft loan o pautang na may mababang interes at mas mahabang panahon ng pagbabayad.
Sinabi rin ni Dominguez na nakatakdang lumipad sa china sa susunod na linggo ang isang team ng finance department para talakayin kasama ang mga Chinese officials ang progreso ng mga isinumite nilang listahan ng ng mga proyektong popondohan naman ng nasa $9 Billion din na ODA ng China sa Pilipinas.
Nobyembre pa noong nakaraang taon nang isinumute ng Pilipinas ang listahan ng mga proyekto.
Ipinagmalaki ni Dominguez na sa kasaysayan ng bansa, sa unang pitong buwan ng Duterte administration ang pinakamalaking ODA na natanggap ng bansa na aabot na ng $18 Billion.