Umakyat sa 44% ng mga pamilyang Pinoy ang nagsasabing sila ay mahirap base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Base sa survey na kinumisyon ng Business World noong December 3 haggang December 6, umaabot sa 10 Milyong mga pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap.
Tumaas ang nasabing bilang kumpara sa 42% sa 3rd quarter ng nakaraang taong 2016.
Sa nasabi ring seurvey ay ipinapakita sa self-rated poverty reading na pababa ang trend ng mga nagsasabing sila’y naghihirap mula sa ginawang survey noong December 2014 kung saan 52% mula sa 1,500 respondents ang nagsabi na sila’y mahirap.
Ang SWS ay gumamit ng sampling margin of errors na +/- 3 points para sa national percentages, +/- 4 points para sa balance of Luzon at +/- 6 points para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Sa nasabi ring survey ay 34% o katumbas ng 7.7 Milyon na pamilya ang nagsabi sila ay “food-poor” na mas mataas ng 4-percent kumpara sa 3rd quarter ng 2016.