32 ang patay sa pagbagsak ng cargo plane sa Kyrgyzstan

Bishkek, KyrgyzstanPatay ang 32 katao matapos na bumagsak sa mga kabahayan ang isang eroplano sa Bishkek, Kyrgystan.

Karamihan sa mga nasawi ay residente ng Dacha-Suu kung saan bumagsak ang flight ng Turkish Airlines.

Patungo sana ng Istanbul ang nasabing cargo plane galing sa Hong Kong.

Papalapag sa paliparan ang eroplano nang magkaroon ito ng problema dahil sa makapal na fog dahilan para bumagsak ito sa mga bahay.

Maliban sa mga nadamay na residente, sinabi ng health ministry ng Kyrgyzstan na nasawi din ang mga piloto ng eroplano.

 

 

Read more...