1 ang patay, 6 sugatan sa pagsabog ng granada sa San Pedro, Laguna

San Pedro, LagunaIsa ang nasawi habang anim pa ang sugatan matapos may maghagis ng granada sa isang bakanteng lote sa Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna.

Naganap ang insidente, alas 9:00 ng umaga sa Laperal compound malapit sa isang chapel sa Victoria South Ridge Village.

Sa inisyal na ulat, nagkakabit umano ng bakod sa pribadong lote ang ilang trabahador nang may maghagis ng granada.

Isa ang agad na nasawi habang ang mga nasugatan ay dinala sa Amante Hospital.

Ayon sa mga residente sa lugar, subject ng isyu ng land grabbing ang nasabing lupa at nitong nagdaang mga araw, may mga insidente na rin na may nagpapaulan ng bala ng baril sa lugar.

Kamakailan ay may mga nakuha ring rocket propelled grenades sa nasabing pribadong lupain.

 

 

 

 

 

Read more...