LPA sa Eastern Samar, nalusaw na; bagong LPA binabantayan ng PAGASA sa Maguindanao

Nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Borongan City Eastern Samar.

Sa 11AM weather advisory ng PAGASA, tuluyang humina at nalusaw ang nasabing LPA na naghatid ng malakas na pag-ulan at nagresulta ng pagbaha sa mga bayan sa lalawigan ng Cebu.

Bagaman tuluyan na ng nalusaw, sinabi ng PAGASA na magiging maulan pa rin ngayong araw sa Palawan, Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Ito ay dahil sa umiiral naman na tail-end ng cold front at sa isang bagong LPA na namataan ng PAGASA sa Mindanao.

Ayon sa PAGASA ang binabantayang bagong LPA ay huling namataan sa 130 kilometers West ng Cotabato City sa Maguindanao.

Ang mga residente sa mga lugar na apektado ng dalawang weather system ay pinapayuhang maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.

 

Read more...