Ayon kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na siya ay intasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang hindi pagbabayad ng buwis ng mga STL at ang pagsasampa ng mga kaso dito.
Sinabi ni Aguirre na para matiyak na lahat ng nag-ooperate ng STL ay legal, sinabi ni Aguirre na magsisimula na ang PCSO ng pagtanggap ng bids mula sa mga STL operators.
Sa pamamagitan nito, tutukuyin kung sinu-sinong operators lamang ang papayagan na mag-operate at bibigyan ng lisensya sa mga lalawigan.
Matatandaang nabuo ang STL dahil sa naging kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na numbers game na “jueteng.”
Dagdag pa dito may mga ulat na may ilang mga STL franchise holders ang may operasyon ng “jueteng” na kung saan kanilang ginagamit bilang front ang mga ito at ang hindi pagre-report ng aktuwal ng kita ng mga ito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kaugnay nito ang pagpeke ng kita sa STL sa pamamagitan ng paglabag sa rules and regulations tulad ng kawalan ng point of sale terminals (POSTs), ng mga “papelitos” na siyang nagsisilbing jueteng bet sheets at ang pagkakaroon ng hindi nakarehistrong “rebisahan” o kung saan pinagdadalhan ng mga taya.
Dagdag pa ni Aguirre, na magsasagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng imbestigasyon sa mga ulat na nasa 10 hanggang 15 percent lang ng kabuuang revenue ng mga STL ang nai-remit sa PCSO noong nakaraang administrasyon.