Orange rainfall warning nakataas sa Cebu, Leyte, at Southern Leyte

Orange Rainfall WarningItinaas ng PAGASA ang Heavy Rainfall Warning sa lalawigan sa Visayas dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga, itinaas ang orange rainfall warning sa Cebu, Leyte at Southern Leyte.

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha at landslides sa mga lugar na apektado ng malakas na buhos ng ulan.

Samantala, yellow rainfall warning naman ang umiiral sa Bohol at sa Negros Oriental.

Payo ng PAGASA sa publiko, mag-antabay sa susunod na ipalalabas na rainfall advisory ng weather bureau.

 

 

Read more...