Dead on arrival sa Nova District Hospital ang tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na pawang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Ayon kay QCPD-AnCar chief, Police Chief Inspector Hector Ortencio, rumesponde sila sa tawag ng isang lalaki na natangayan ng motorsiklo habang kumakain sa General Luis Street, sa barangay Nagkaisang Nayon.
Habang nagpapatrolya ay naispatan ng mga pulis ang tatlong lalaki na sakay ng dalawang kahina-hinalang motorsiklo.
Nang lapitan at sisitahin ng mga pulis, sa halip na huminto ay kumaripas ng pa ng andar ang mga suspek dahilan upang habulin ito ng mga pulis.
Nakarating sa Pasacola Street ang mga suspek kung saan dito na sila bumunot ng baril at saka pinaputukan ang mga humahabol na pulis.
Napilitang namang gumanti ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek at pagkakabasag sa salamin ng police mobile patrol.
Narekober mula sa mga suspek ang dalawang walang plakang motorsiklo kabilang ang tinangay na motorsiklo at tatlong baril.
Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspekcat ang posibleng grupong kinabibilangan ng mga ito.