LPA na binabantayan ng PAGASA, hihina sa susunod na 24-oras

Nasa loob pa rin ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Sa 5AM weather bulletin, huling namataan ang LPA sa 100 kilometers East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar.

Ayon sa PAGASA, naaapektuhan ng Amihan na nasa Luzon ang nasabing LPA kaya inaasahang hihina na ito sa susunod na mga oras.

Maliban sa nasabing LPA, wala pang ibang sama ng panahon na namamataan ang PAGASA na papalapit sa bansa.

Samantala, ayon sa PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landslides ang Bicol Region at Eastern Visayas.

Maulap na papawirin naman na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at sa mga lalawigan ng Quezon, Marinduque at Romblon.

Mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa Cordillera, Cagayan Valley at Aurora.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, isolated light rains lamang ang iiral.

 

 

Read more...