Sec. Esperon at Andanar, dadalo sa Trump inauguration

 

Sina Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa inagurasyon ni President-elect Donald Trump sa Washington DC sa January 20.

Ito ang kinumpirma ni Sec. Andanar nang makapanayam ng mga mamamahayag sa kasagsagan ng paglulunsad ng ASEAN 2017 chairmanship ng Pilipinas sa Davao City.

Paliwanag ni Andanar, karaniwang hindi dumadalo sa inagurasyon ng mga bagong pangulo ng Amerika ang mga ‘heads of state’ dahil isang ‘domestic affair’ ang naturang okasyon.

Ito ang dahilan aniya kung bakit hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang dadalo sa naturang okasyon.

Si Trump ay nakatakdang manumpa sa January 20, (January 21 sa Pilipinas) bilang ika-45 presidente ng Amerika.

Read more...