ASEAN 2017 Chairmanship Ceremony, pinangunahan ni Pangulong Duterte

AP photo
AP photo

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) 2017 chairmanship ang seremonya na ginanap sa SMX Convention Center sa Davao City kanina.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang unveilling ng 1 Peso commemorative coin at ang special postahe stamps, dahil dito ay mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng Philippine National Police sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lungsod.

Maliban sa hosting ng ASEAN summit ay ginugunita rin ang ika-animnapung anibersaryo ng ASEAN.

Kabilang naman sa mga nakalatag na aktibidad sa buong taon ay ang 30th ASEAN Summit na gaganapin sa Abril, ang 50th ASEAN Ministerial Meeting and Realated Meetings na idaraos sa Metro Manilas Agosto at ang 31st ASEAN Summit na gaganapin sa Clark, Pampanga sa Nobyembre.

Samantala, inilunsad naman ngayong araw ng Philippine Postal Corporation ang ASEAN 50 commemorative stamp sa Davao City.

Ito ay may temang “Partnering for Change, Engaging the World.”

Read more...