Ito ay sa kabila ng plano ng Department of Health na mamahagi ng condoms sa high school students simula sa susunod na school year.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, hindi niya papayagan na maging distribution hub ng contraceptives ang mga pampublikong eskwelahan sa lungsod.
Una nang sinabi ni DOH Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial na pilot testing ng pamimigay ng condoms ng ahensya ay naisagawa na sa Quezon City.
Pero taliwas sa pahayag ni Ubial, itinanggi ng City Epidemiology ang Surveillance Unit na hindi naganap ang nasabing hakbang sa anumang eskwelahan sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES