1 drug pusher, 3 drug users, arestado sa isang raid sa Lucena City

Google map
Google map

Arestado ang isang hinihinalang drug pusher at tatlong drug user sa isinagawang raid sa isang drug den sa Lucena City kahapon.

Ayon kay Quezon police director Senior Supt. Rhoderick Armamento, sinugod ng anti-illegal drug operatives at Special Weapons and Tactics (SWAT) unit ang bahay ng umano’ drug pusher na si Efren Bautista sa Barangay Mayao Crossing bandang ala una trenta nang hapon.

Sa pagsalakay ng otoridad, huli sila Jaime Orig, Elton Llona at Alex Barong na nagsasagawa ng pot session sa loob ng naturang bahay.

Narekober sa raid ang kalibre bente dos nab aril, mga bala ng kalibre kwarenta y singkong baril, isang weighing scale, drug paraphernalia at maliliit na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng anim na libong piso.

Maliban dito, nasibat rin ang isang notebook na naglalaman ng listahan ng mga transaksyon sa ilang personalidad.

 

Read more...