Dinagsa ng mga deboto ang taunang Pista ng Sto. Niño de Tondo sa Maynila.
Alas-kwatro ng umaga nang magsimula ang Maringal na Prusisyon na iikot sa iba’t ibang mga kalsada malapit sa Simbahan.
Naging makulay ang prusisyon na sinundan ng parada ng mga replica ng Sto. Niño na sinuotan ng iba’t ibang makukulay na costume habang isinasayaw ng mga deboto.
Isinasagawa ang pista ng Sto. Niño de Tondo tuwing ikatlong linggo ng Enero.
Maraming pulis ang naka-pwesto sa paligid ng Simbahan upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Inaabisuhan rin ng Manila Police District ang mga motorista na umiwas muna sa bahagi ng Tondo, dahil sarado ang ilang mga kalsada rito upang bigyang-daan ang prusisyon ng Sto. Niño.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang sunod-sunod na misa na tatagal hanggang mamayang alas-onse ng gabi.