Nanawagan sa huling pagkakataon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga fish pen operators na baklasin na nila ng kusa ang kanilang mga fishpen bago simulan ng kagawaran ang pagtanggal sa mga naturang ilegal na istruktura ngayong buwan.
Ayon kay Environment Undersecretary and National Anti-Environmental Crime Task Force (NAECTF) Head Arturo Valdez na binibigyan pa sila ng pagkakataon ng ahensya na maisalba ng mga operator ang mga valuable assests tulad ng pen at mga cage enclosure materials.
Dagdag pa ni Valdez, sa oras na magsimula na ang pagbaklas ng DENR lahat ng mga bagay na maapektuhan ng operasyon ay kukumpiskahin ng gobyerno.
Kasama rin sa nasabing isasagawang operasyon ay ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) at mga concerned local government units.
Ang napipintong pagbaklas sa mga fishpen sa Laguna Lake ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na unahin ang mga maliliit na mga mangingisda.
Kaugnay nito, aniya ni Valdez na may mga operator na nagbaklas na ng kanilang mga fishpen simula pa noong nakaraang buwan.