Pinuri ng mga taxpayer sa Makati at mga business owners ang maayos at mabilis na pagproseso ng mga tax payments at ang renewal ng mga business permits sa City Hall ng dahil sa mga magandang inobasyon na ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon ng lungsod ng Makati.
Ayon kay Atty. Maribert Pagente, Chief ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod na dahil sa bagong setup na paglalagay ng mga frontline offices sa ground floor lobby ng City Hall Building II para sa renewal ng kanilang mga permits at pagbabayad ng kaukulang mga bayarin ay mas naging mabilis ang proseso.
Kapansin-pansin din ang tuluyang pagkawala ng mga fixers na dahil sa mga aksyong ginagawa ng pamunuan ng lungsod.
Kasama din sa mga inobasyon ay ang pagkakaroon ng signage na nagpapakita ng step-by-step na proseso para sa bawat transaksyon, ang pagkakaroon ng mga special lanes na para sa mga senior citizens at mga persons with disability, ang pagkakaroon ng suggestion box at libreng snacks para sa mga tao.
Samantala, binigyang diin ni Pagente na sa darating na January 20, 2017 ang deadline ng renewal ng mga business permit applications kaya kahit weekend ay bukas ang kanilang tanggapan.
Ayon din sa mga nagiging kliyente ng city hall ay mas sistematiko at mas mabilis na mga transaksyon kumpara noong nakaraang taon.