Pasig City, magpapatupad ng road closure para sa Grand Bambino Festival Parade

inquirer file photo

Isasara ang ilang kalsada sa Pasig City ngayong Linggo, January 15 para sa isasagawang Grand Bambino Festival Parade.

Inanusyo ng nasabing city government ang naturang road closure sa pamamagitan ng kanilang Facebook account.

Ayon sa Pasig City Traffic and Parking Management Office (TPMO) na ang mga sumusunod na mga kalsada ang pansamatang isasara mula 11:00 am hanggang 4 pm:

-Caruncho Avenue sa tapat ng Pasig City Hall

-M.H. del Pilar Street sa Barangay San Nicolas

-Dr. Sixto Antonio Avenue sa Barangay Kapasigan

-Dr. Pilapil Street sa Barangay Sagad

-A. Mabini Street sa Barangay Kapasigan

-Plaza Rizal Intersection

-P. Burgos Street sa Barangay San Jose

-Dr. Garcia Street sa Barangay Sumilang

-R. Jabson Street sa Barangay Bambang at Barangay Malinao

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Ang naturang selebrasyon ay unang ipinagdiwang noong taong 2002, kaugnay ng kapistahan ng Sto. Niño na pumapatak tuwing ikatlong linggo ng January.

Read more...