Gobeyerno, walang ibinayad na ransom sa paglaya ng Pinoy at Korean national-Dureza

durezaHindi masabi ni Presidential Peace Process Adviser Jesus Dureza ang dahilang kung bakit pinalaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang Pilipino at isang South Korean national.

Hindi tiyak ni Dureza kung pinalaya ang dalawa bilang goodwill ng mga bandido.

Ang alam umano ng kalihim ay walang ransom na ibinayad para sa paglaya ni Park Chul Hong at kasama nitong si Glen Alindajao.

Iginiit ni Dureza ang polisiya ng gobyerno na hindi pagbabayad ng ransom.

“As far as I know there was no ransom money involved. You know the policy of the government. we don’t pay ransom,” pahayag ni Dureza.

Kung mayroon man anyang ibinayad sa mga kidnappers ay walang papel ang gobyerno dito.

Si Park ang kapitan ng barko kung saan dinukot ang mga biktima sa Tawi Tawi noong nakarang taon.

Read more...