Mula sa 50.78 percent, tumaas ng 1.22 percent ang tiwala at respeto ng publiko sa naturang sangay ng Philippine National Police.
Batay sa resulta ng survey, pumalo sa 42.7 percent mula sa 29.3 percent ang lebel ng seguridad habang 19.8 percent ang inangat ng naiulat na krimen ng NCRPO.
Maliban dito, lumabas din sa naturang survey ang mabilis na pagresponde ng NCR police sa mga reklamo ng publiko.
Binati naman ni Police Director Oscar Albayalde, Regional Director ng NCRPO, ang nasasakupan nito bunsod ng positibong resulta ng survey mula sa 570 respondents sa piling barangay sa Metro Manila.
Dagdag pa nito, magsisilbi aniyang inspirasyon at hamon upang pagbutihin pa lalo ang serbiyso sa publiko.