Bibinyagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nasa 400 na mga mahihirap na mga bata mula sa mga slum areas sa Metro Manila na hindi pa nakakatanggap ng naturang sakramento.
Ang mga naturang bata ay benepisyaryo ng Tulay ng Kabataan (TNK) Foundation na karamiha’y mula sa Tondo at Baseco sa Maynila at sa Navotas City.
Kasama ni Tagle sa isasagawang binyagan sa Manila Cathedral ang TNK Foundation executive director na si Fr. Matthieu Dauchez at sampung iba pang pari.
Ang TNK Foundation ay naitatag noong 1998 at mula noon ay kumukupkop na sa mga mahihirap na bata sa Metro Manila.
Sa pamamagitan ng 24 centers nito, nakatulong na ang organisasyon sa libu-libong mga bata sa kanilang mga programa para sa mga street children na may epesyal na pangangailangan at iyong mga nakatira sa mga slum areas.