Ang nasabing tulay ay pinagawa ni Public Works Secretary Mark Villar kasunod ng viral photo at video ng dalawang batang estudyante habang tumatawid sa lubid para lamang makapasok sa kanilang paaralan.
Ayon kay Villar, napanood niya ang nasabing video at na-antig sa istorya ng mga bata na buwis-buhay ang pagtawid sa lubid para lang makapasok sa paaralan.
Sa kanyang Facebook page, ipinakita pa ni Villar ang larawan ng ginagawang tulay sa Sitio G’tum.
Nakalagay din dito ang caption at sinasabing malapit nang matapos ang tulay na sinimulan noong Disyembre.
MOST READ
LATEST STORIES