Tiniyak ng Pasig City Police na pananagutin nila ang may-ari ng nasunog na refilling station sa Pasig City noong Miyerkules.
Sinabi ito ni Senior Inspector Anthony Arroyo, hepe ng Fire Arson Investigation unit ng Pasig City matapos matukoy ang pinagmulan ng tumagas na LPG na naging sanhi ng pagsabog.
Ipinaliwanag ni Arroyo na ang “corrosion” ang dahilan ng “gas leak” at nagkulang aniya sa preventive maintenance ang may-ari ng refilling station na Omni Gas Corporation.
Kinukuwestyon din ng otoridad kung bakit hindi kaagad tumawag ng bumbero nang magkaroon ng pagtagas.
Samantala, humingi na ng paumanhin ang Omni Gas Corporation sa pangyayari.
Sinabi ni Engineer Ronnie Badidles, spokesman ng LPGMA Partylist group, wala naman silang pagkukulang para maging ligtas ang lugar.