Kampanya kontra ilegal na droga ni Duterte, isang human rights calamity ayon sa isang human rights group

HRWTinawag ng isang international human rights organization na human rights calamity ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga.

Ayon sa Human Rights Watch na naka-base sa New York, nakababahala ang nangyayari ngayon sa Pilipinas mula nang maupo sa pwesto si Duterte.

Sa kanilang “World Report 2017 : Demogugues threaten human rights,” sinabi ni HRW executive director Kenneth Roth, nakaka-alarma ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga taong may kinalaman sa ilegal na droga.

Mistula din aniyang nananawagan si Duterte at mga opisyal nito ng “summary execution” sa mga pinaghihinalaang tulak maging sa mga bumabatikos sa nasabing kampanya.

Para naman kay Phelim KIine, deputy asia director ng HRW, walang pagpapahalaga si Duterte sa karapatang pantao nang ilunsad ang giyere kontra droga.

Dagdag pa ni Kine, tuluyan nang binalewala ni Duterte ang “human rights protection” at pina-igting ang “unlawful killings” sa mga drug suspects.

Read more...