China, nababala ng nuclear war laban sa US

Mula sa Xinhua News Agency
Mula sa Xinhua News Agency

Binalaan ng China ang Estados Unidos ng nuclear war kung tototohanin nito ang pahayag na sinabi ni incoming US Secretary of State Rex Tillerson na hindi dapat hayaan ang mga Chinese na kamkamin ang mga artificial islands na kanilang itinayo sa ilang bahagi ng South China Sea.

Sa isang editorial, binantaan ng Communist Party mouthpiece na Global Times si Tillerson na pagtuunan ng pansin ang nuclear power strategies kung gusto nitong paalisin ang isang “big nuclear power” mula sa kaniyang mga teritoryo.

Kung ayaw anila ng Washington na magkaroon ng large-scale war sa South China Sea, hindi anila dapat gumawa ang Amerika ng anumang hakbang na para pigilan ang China sa kanilang mga isla.

Nagbabala rin ang Chinese state-owned na China Daily sa Amerika na sakaling totohanin nila ang kanilang banta, magkakaroon ng isang “devastating confrontation” sa pagitan ng China at US.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Tillerson sa mga US Senators na hahanap siya ng paraan para tanggalan ng access ang China sa mga artificial islands na binuo nila sa South China Sea.

Read more...