Kahon-kahong pangolin at seahorse, nakumpiska ng PCG sa Manila North Harbor

pangolinNasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahon-kahong karne ng mga ant eater o pangolin, pati na rin mga pinatuyong seahorse at seadragon na pawang mga endengered species na.

Mula pa sa Bacolod ang nasabing truck na naglululan ng mga nasabing hayop na pawang nabalatan na at natuyo na, at balak na sanang dalhin sa Valenzuela City.

Kinalkal ng PCG ang nasabing truck na sakay ng M/V St. Francis Xavier na naka-dock sa Manila North Harbor at doon na tumambad sa kanila ang maraming mga kahon at styro box na naglalaman ng mga frozen na karne ng pangolin na tinanggalan na rin ng kaliskis.

Ayon kay PCG spokesperson Commander Armand Balilo, 13 sako ng dried seahorse, 60 piraso ng pangolins o anteaters at isang box sa sea dragon ang nakumpiska nila sa nasabing 10-wheeler truck na pag-aari ng 2Go Group sa Pier 4.

Inilusot ang mga kontrabando matapos nila itong ideklara bilang mga scrap plastic.

Read more...