Nakararaming Pinoy, prayoridad ang pagiging malusog ayon sa Pulse Asia survey

INQUIRER FILE PHOTO/JOVIC YEE
INQUIRER FILE PHOTO/JOVIC YEE

Prayoridad ng karamihan ng mga Pilipino ang maging malusog at hindi magkasakit.

Ayon sa bagong Pulse Asia survey na ginawa mula December 6 hanggang 11, 2016, pinaka-concern ng 63 percent ng respondents ang manatiling maayos ang kalusugan sa ilalim ng kategoryang urgent personal concern.

Pumangalawa sa mga top concerns ng mga Pinoy ang magkaroon ng trabaho na mataas ang sweldo na may rating na 44 percent.

Sumunod ang makapagtapos ng pag-aaral o mapag-aral ang mga anak na may 41% percent habang 41% ang nakuha ng concern na makakain ng sapat araw araw.

Ayon sa Pulse Asia, hindi nagbabago taon taon ang urgent personal concerns ng mga Pinoy at ang nabago lang ay ang concern na mabiktima ng seryosong krimen na tumaas ng walong porsyento./Len Montaño

 

 

Read more...