Kampanya kontra krimen, aprub sa nakararaming Pinoy ayon sa Pulse Asia survey

Kuha ni Jong Manlapaz
Radyo Inquirer File Photo | Jong Manlapaz

Nagugustuhan ng karamihan ng mga Pilipino ang kampanya ng Adminsitrasyong Duterte laban sa kriminalidad.

Ayon sa bagong Pulse Asia Survey, aprubado ng 84% ng respondents kung paano pangasiwaan ng pamahalaan ang kampanya kontra sa mga krimen habang 12 percent ang undecided at apat na porsyento ang disapproved.

Nakasentro ang anti-crime war ni Pangulong Rodrigo Duterte sa laban kontra iligal na droga na inuugnay sa pagkamatay ng mahigit anim na libong drug suspects dahil sa mga police operation o hinihinalang extra judicial killings.

Batay ang resulta sa Nationwide Survey on National Administration Performance Ratings na ginawa mula December 6 hanggang 11, 2016.

Lumabas din sa survey na nakakuha ang Duterte Administration ng majority approval ratings sa labingisa sa labingdalawang isyu.

Tanging sa isyu ng pagkontrol sa inflation nabigo ang pamahalaan na makakuha ng majority approval sa naitalang 44 percent.

Ayon sa Pulse Asia, ang mahalagang mga hakbang ng gobyerno kumpara sa survey noong September 2016 ay mga isyu sa umento sa sahod at proverty reduction.

 

 

Read more...