US Embassy, sarado sa January 16

US Embassy Advisory Nagpa-abiso ang US Embassy sa Maynila na wala itong operasyon sa Lunes, January 16.

Ayon sa statement ng US Embassy, sarado ang embahada at hindi muna sila tatanggap ng transaksyon sa Lunes, bilang paggunita sa Dr. Martin Luther King Jr. Day.

Ang nasabing okasyon ay holiday sa Amerika.

Maging ang mga affiliated office ng US Embassy ay sarado rin sa nasabing petsa.

Sa Mates naman, January 17, magre-resume ang operasyon ng Embahada./ Dona Dominguez-Cargullo

 

 

Read more...