Bahagi ng MMDA building, nasunog

INQUIRER PHOTO/JOVIC YEE
INQUIRER PHOTO/JOVIC YEE

Tinupok ng apoy ang bahagi ng gusali ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Guadalupe, Makati City.

Sa report ng text fire, nagsimula ang sunog pasado alas 2:12 ng hapon sa 4th floor ng MMDA building sa Orense Street.

Umabot lang sa 1st alarm ang sunog, at agad naideklarang fire under control alas 2:30 ng hapon.

Ang tanggapan umano ng Commission on Audit (COA) ng MMDA ang naapektuhan ng sunog.

Dahil sa pagsiklab ng apoy, pinalabas muna ang mga empleyado sa gusali.

Dalawa naman ang nasugatan sa nasabing sunog. Ang dalawang empleyado ng MMDA na sina Raymond Obtinario at Elizalde Domingo ay nagtamo ng minor injuries.

Alas 2:43 naman ng hapon nang maideklarang fire out na ang sunog.

Read more...