Hindi dapat targetin ng pamahalaan ang mga Indian nationals na nagpapautang sa pamamagitan ng sistemang “5-6”.
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na bagaman sinusuportahan ni ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa mga loan shark, dapat ay mag-alok man lang ang pamahalaan ng mga alternatibo para makatulong sa mga maliliit na negosyante.
Dagdag pa ni Lacson, hindi lang naman mga Bumbay ang nagpapa-utang ng gaya ng sistema ng “5-6” kundi maroon ding mga Pinoy at mga Chinese nationals.
Paliwanag ni Lacson, dapat may credit facilities na mag-aalok ng mas simpleng pamamaraan at hindi hihingi ng mahihirap na requirements at qualifications para sa mga uutang.
Una nang nagbabala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban sa mga “5-6” operator dahil sa labis-labis umanong interest sa pagpapautang.