Mahigit 100 importers, inalisan ng accreditation ng Customs

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Tinanggal na ng Bureau of Customs (BOC) ang accreditation ng mahigit isandaang importers na may mga kaso.

Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang nasabing bilang ay mula pa lamang sa Port of Manila at Manila International Container Port.

Ang mga nasabing importers aniya ay mga nagkasala sa batas ng Customs simula noong July hanggang December ng taong 2016.

Bukod sa mga kumpanya ng mga ito, kabilang din sa tinanggalan ng accreditation ang kanilang mga brokers.

Kabilang sa mga naging pagkakasala ng mga ito ang misdeclaration, undervaluation at iba pang smuggling activities.

Sinabi ni Faeldon na maaring umapila ang mga ito at patunayan na ang kanlang pagkakasala ay hindi sinadya.

Siniguro din ng opisyal na simula pa lamang ito ng kanilang paglilinis sa mga nakikipag transaksyon sa adwana.

 

Read more...