Nahuli ang suspect na si Xin Wang, alyas Alex Wang sa kahabaan ng Palanca St., Legazpi Village.
Inaresto si Wang sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Rowena Nieves ng Pasay City Regional Trial Court branch 118 sa kasong large scale illegal recruitment.
Sinasabing marami nang nabiktima si Wang na mga Pinoy na nais mag-abroad.
Walang inirekumendang piyansa sa kaso ng nahuling Chinese National.
Nakatakda ring ilipat sa Pasay City ang kustodiya ng nasabing Chinese national kung saan isinampa ang kaso laban dito.
MOST READ
LATEST STORIES