Pumanaw na ang 31 taong gulang na si Jeff de la Fuente matapos maipit sa pagitan ng tren at platform sa San Francisco, California.
Nito lamang Miyerkules ng gabi, pauwi na sana si De la Fuente mula sa kanyang trabaho sa San Francisco patungong San Lorenzo nang mahulog ito at maipit sa pagitan ng tren at platform sa Bay Area Rapid Transit.
Gumamit pa ng air bags ang mga rescuer ng San Francisco Fire Department upang makuha si De la Fuente.
Ayon sa fire officials, may malay pa ito ng kanilang masagip.
Agad siyang isinugod sa ospital ngunit pumanaw rin nito lamang Biyernes.
Samantala, nakatakdang iuwi ng kanyang pamilya ang mga labi ni De la Fuente sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES