Nangako ng isang trilyong yen o katumbas ng P424 bilyong pisong investment at development aid ang Japan sa Pilipinas para sa susunod na limang taon.
Ito ang naging laman ng pahayag ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kanyang pagharap kahapon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Abe na layon ng paglalaan ng pondo na mapabilis pa ang pag-unlad ng Pilipinas.
Gagamitin rin aniya ng Japan ang kanilang nalalaman sa teknolohiya upang makatulong sa pagpapalakas ng imprastraktura sa Metro Manila at maging sa buong PIlipinas.
Handa rin aniya ang Japan na magbigay-ayuda sa pagpapalakas ng economic development ng Pilipinas.
Bilang tugon naman sa kanilang ibibigay na suporta, hiling naman ng Japan sa administrasyon na panatilihing ‘business friendly’ ang Pilipinas upang mas makahikayat pa ng maraming investors sa hinaharap.